Welcome to the WRI Colleges Forum....
Please register in order to communicate with other forum members. Thank you.

Share
View previous topicGo downView next topic
Guest
Guest

default Text Jokes by Raider3

on Fri Nov 20, 2009 12:34 pm
Kodigo

Nahuling may kodigo ang estudyante...

Guro: Ano 'to?

Estudyante: Prayer ko po, ma'am!

Guro: At bakit answers ang nakasulat?

Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!

*********



Alimasag

Nakaamoy si Ngongo ng pabango sa isang store.

Sabi ni Ngongo, "Ale, mango!"

Sabi naman ng saleslady, "Pabango 'yan, hindi alimango!"

Ulit ni Ngongo, "Ale, mango!"

Nag-agawan si Ngongo at ang saleslady sa pabango. Nahulog ang pabango at
nabasag.

Sabi ni Ngongo, "Ale, masag!"


*******

GMA

Dumalaw si GMA sa mental hospital...

Dok: Let's welcome President Arroyo!

Pumalakpak lahat ng pasyente maliban sa isa na nasa sulok...

GMA: O, dok, bakit 'yung isa, hindi pumalakpak?

Dok: Ma'am, magaling na po siya!


********

Ulam

Mister: Anong tanghalian natin?

Misis: Nasa mesa! Bahala ka nang mamili!

Mister: Isang tuyo?! Anong pagpipilian ko?

Misis: Mamili ka... kakain ka o hindi?


********


Plantsa

Dok: Anong nangyari sa mga tenga mo?

Joshue: Nagpaplantsa kasi ako nang kumiriring ang telepono. Aksidenteng na-pick
up ko 'yung plantsa.

Dok: Eh bakit dalawang tenga mo ang nagkaganyan?

Joshue: Ang gago, tumawag uli!


********


Pagibig


Minsan, sa aking pag-iisa, naalala kita...

Inisip kong nasa tabi lang kita at tayo'y nagsasaya. Tapos, bigla kang umalis.

Nalungkot ako.

Akala ko, iiwan mo na ako. Uutot ka lang pala, tinakot mo pa ako!


*******


PALIMOS

Pulubi: Boss, palimos po.

Tonyo: Iinom ka o magyoyosi?

Pulubi: Wala po akong bisyo.

Tonyo: Okey. Sumama ka sa akin para malaman ng nanay ko ang nangyayari sa taong
walang bisyo

**********


ALITAPTAP

Anak: Tatay, hindi ako makatulog, kasi, maraming lamok!

Tatay: Papatayin natin ang ilaw para hindi tayo makita.

(Pagpatay sa ilaw, dumating ang mga alitaptap...)

Anak: Hala ka, Tatay, nagdala sila ng flashlight!


*********


SIOPAO

Kulas: Miss, isa ngang siopao, 'yung babae.

Waitress: Babaeng siopao?

Kulas: Oo. 'Yung may papel na sapin. Kumbaga, napkin.

Waitress: Ahh, ganun po ba? Lalaki po ang nandito.

Kulas: Lalaki?

Waitress: May itlog po sa loob
View previous topicBack to topView next topic
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum